Day 53/366 - 100 pesos Sleeveless Top
Kaninang umaga bumungad sakin ang tanong na “Bakit ka absent?” / “Lagi kang Absent” sa mga Classmate ko. Hindi ako nasagot. Haha.
Nung PE nag-practical ako. Nag-practical na yung group ko kaya dapat ako na lang yung magisang sasayaw ng Modern Dance. Buti naawa si Maam pinasali ako sa Group. Ayos naman, Hindi ako makasunod. Haha. Wala talaga akong talent sa sayawan!! 95 grade namin tapos bigla siyang napatingin sakin. May Doubt pero pinasa pa rin niya ko. Yay!
Kumain kami sa 8950, Dala ni Jean yung Binbenta niya. Bumili ako ng isa! Yang Sleeveless Top. Tapos nag-ikot ikot kami sa 8950.
Nung Physics Time na late na naman yung mga Prof kaya habang naghihintay nakita ko sa Lorenzana, Kaklase ko nung High school, Chika Chika. Mga 11:30 na nun sabi mag-attendance na lang daw. Para hindi kami maabutan takbuhan kami eh. Haha. Nakakatuwa. Nagtago kami dun sa may Chapel, Naka-burol yung Lola ni Alia. Pinakain din kami.
Nstp time, Saglitan lang din. Nag-announce lang yung Prof namin. Pumunta kami sa Brgy. Hall ng Platero para mag-paprint. Tapos pumunta kina anna para gawin yung sa PharmCal. Actually, si Anna lang gumawa. Haha. Mga 9:30 na ako nakauwi.