Day 51/366 - Free Cleaning & Pharmcare Midterm Grade

Kaninang umaga nung naglalakad na ko papunta sa may pathway biglang may kumukulbit sa likod ko. Yung kalabit sa likod na parang nanakawan ka. Lumingon ako, yung babae palang kasabay ko sa Jeep. Sabay sabing “Bukas po Zipper mo”. May Zipper kasi sa may pwetan yung Palda namin. Pag-kapa ko, Bukas nga! Kahiya. Buti andun siya. Maganda na, Mabait pa! 

Medyo maaga ako sa PharmCal, Nag-discuss. Sa PharmCare pinakita yung Grade tsaka nag-report dun sa Interview chuva. Taas ng Grade ko sa PharmCal pero sabi naman ng Prof ko, 70 daw lalabas sa Printed Grade. Wooosh. First time kong magla-line of 6. T_______T Sa Filipino naman nagpa-summary lang ng mga kabanata.

Dumiretso kami sa Brgy. Tubigan para kumuha pa ng Information para sa PharmCare. Tapos bumalik sa school para samahan si Anna. Biglang Niyaya kami ni Danna na magpa-cleaning nung mga Dentistry. Kakilala kasi ni Danna yung isa kaya napasubo na din ako. Ayos naman siya medyo kinakabahan pero naramdaman ko naman na luminis yung ngipin ko. 2nd time ko na yun pero parang mas type ko nung 1st time ko. Puro dukot lang ng dukot kasi ginawa ngayon eh, pero Libre! 

Nakasabay ko pa sa Jeep si Ranzel. Pero di kami nakapag-chika kasi may kasama siyang Boylet.